|
|
PANALANGIN
Kaibig-ibig na Ina ng La Leche, mapagmahal na Ina ng aming Manunubos na
Hesukristo, pakinggan mo ang aking panalangin. Batid ng puso mo ang bawat
kahilingan at pangangailangan ko. Ako'y nananalig, mahal na Ina, na ako ay
iyong tatangkilikin sa ilalim ng iyong pangangalaga, tulad ng ginawa mo sa
iyong Anak. Mamagitan ka sa Kanya upang ako ay magkaroon ng tapang at
lakas na mapagtagumpayan ang anumang kinakaharap ko. Bigyan mo ako ng
biyaya na manatiling tapat sa iyo sapagkat ikaw ang aking maningning na
inspirasyon ngayon at magpasawalang hanggan.
Aming Ina ng La Leche, ipanalangin mo kami.
LITANYA SA ATING INA NG MGA INA
P. Panginoon, maawa ka sa amin
L. Kristo, maawa ka sa amin
P. Panginoon, maawa ka sa amin
L. Kristo, paka-pakinggan mo kami
P. Diyos Ama sa langit
L. Maawa ka sa amin.
Diyos anak na tumubos sa sanlibutan
Maawa ka sa amin
Diyos Espiritu Santo
Banal na Santatlo, iisang Diyos
Mahal na Ina
Ipanalangin mo kami
Malinis na anak ng Ama
Malinis na kabiyak ng Espiritu Santo
Malinis na Ina ng Anak ng Diyos
Sisidlan ng karunungan
Luklukan ng banal na kaharian
Tabernakulo ng Banal na Salita
Kopa ng banal na buhay
Ina ng Diyos
Ina ng batang si Kristo
Pinababanal ang pagiging ina
Pag-asa ng lahat ng kababaihan
Modelo ng lahat ng kababaihan
Pinagpala sa iyong pagiging ina
Inspirasyon ng iyong pagiging ina
Aliw ng mga ina
Tagapag-ingat ng mga ina
Pinagpala ng lahat ng mga ina
Itinaas ang pagiging ina
Pinababanal ang mga ina
Reyna ng kabanal-banalang pamilya
Reyna ng malinis na buhay pamilya
Reyna ng mga ina
Ina ng mga ina
Ina ng maluwalhating pagluluwal
P. Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
L. Iadya mo kami
P. Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
L. Paka-pakinggan mo kami
P. Kordero ng diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
L. Maawa ka sa amin
P. Aming Ina ng maluwalhating pagluluwal
L. Ipanalangin mo kaming lumalapit sa iyo
P. Manalangin tayo
L. Katamis-tamisang Birhen, reyna ng langit, pinili sa lahat ng babae
upang maging Ina ng Anak ng Diyos. Maria, aking Ina, sa iyong pagiging ina
ay pinabanal ang kalagayan ng mga ina, lumuluhog akong lumalapit sa iyo;
pakumbabang lumalapit ako sa iyo, ako'y nananalig sa iyo. Naniniwala akong
ako'y iyong matutulungan sa aking kailangan. Sa iyo, mahal na Birhen,
ako'y lumalapit. Aba at nangangailangan, ako'y tumatakbo sa iyo at buong
tiwala na ipinauubaya sa iyong kamay ang lahat. Tanggapin mo ang aking
tiwala, pakinggan ang aking dalangin at tulungan ako, mahal na Ina ng mga
ina.
P. Narito ang alipin ng diyos
L. Maganap nawa sa akin ang ayon sa kalooban mo
Nihil Obstat: (Pinirmahan) Fr.
Sanny de Claro
Vice-Chancellor and Censor
Imprimatur (Pinirmahan) Msgr. Socrates Villegas
Vicar General
Manila, Agosto 18, 2000
|